Siguro hindi ka matatawag na RANatic kung hindi mo alam ang katagang Oye...isang expression na ginagamit ng mga adekz para sabihing "astig" o "lufet". Siguro shortened version din sya ng "oh yeah", pero since Pinoy tayo, mas makulet ang salitang "oye", kaya naman pati mismo sa loob ng game eh pag ni-type mo ang word na ito ay may nakakalerky na action ang gagawin ng mga characters nyo.
At ito ang tinatawag na Oye Dance.
Isa rin ito sa mga paborito kong expressions sa RAN. At kung minsan pag nadalaw ako sa mga servers, malimit na hindi mawawala ang isang Oye session kasama ang mga adekz. Kaya naman marami-rami din akong nakuhang screenshots featuring this wacky dance...









