Nakatanggap ako ng isang tip sa isang player ng Alamat server sa forum kahapon lang. Sabi sakin eh bumisita daw ako sa server nila today para maki-chizmax sa bangayan ng ilang gangs. At dahil may lahi rin akong chismoso, dali-dali akong umuwi ng bahay para lang makaabot at makisawsaw dito sa sinasabi nilang "rambulan" sa Club Wars.
Ok, fine...nakarating din ako sa Alamat. Nagpalipat-lipat muna ako ng e-room para makibalita, at yun nga, tumambay na rin ako sa mga e-rooms in question: ang Phoenix at Mystic Peak.
Yun nga lang, mali na naman ang pagkaka-intindi ko. Hindi ito rambulan sa e-room, kundi rambulan ng 2 gangs mula sa MP at PX schools, specifically sa `PhoENiX at MP-AllStar gangs.
Ok sige...imbisibol mode muna ako nun at nanood ng bakbakan nila.
Una akong tumambay sa PX e-room, kung saan kasalukuyang hawak ito ng `PhoENiX gang. Di nagtagal, all out salakay na ang ginawa ng MP-AllStar, kung saan umariba na sa pag-verify si Papa -=Jecko=-. Sinubukang pigilan ito ng `PhoENiX pero di naglaon ay nakuha din ito ng MP-AllStar.
Ok, dito ko na nalinaw ang chismis.
Usapang malufet!
It seems na nagka-hamunan ang mga gangs na ito. Nang tinanong ko ang MP-AllStars kung bakit may bangayan sila sa `PhoENiX, sabi daw eh nag-aangas ang nasabing gang. Nagpustahan pa daw ng 100m kung masasakop nila ang e-room nila (na nangyari naman).Sa kabilang dako, gusto ko rin syemre malaman ang sasabihin ng kabilang party, kaya naman hinanap ko kung saan susunod sasalakay ang `PhoENiX. Well, sinubukan nilang mag-verify sa dating e-room nila, pero sadyang mabangis ang defense ng MP-AllStar kaya wala ni isa man sa kanila ang nakalapit. Nagulat na lang ako na may nag-shout na lumipat daw ng SG e-room ang `PhoENiX.
Okay, sige lipat ako ng SG, kung saan kasalukuyang hawak ito ng MP-RebOrN. Nang sinubukan ng `PhoENiX na mag-verify, todo def ang MP-RebOrN, ngunit sa kasamaang palad eh hindi ganun kalakas ang kanilang pag-ariba kaya nakuha din ito ng `PhoENiX.
At syempre, dun na nag-umpisa ang kanchawan.
Sinubukan kong tanungin ang panig ng mga taga-`PhoENiX, pero pareho din ang sinabi nila sakin...na nag-aangas daw ang MP-AllStar, lalo na sa PK. Hindi ko na sila masyadong naurirat dahil nampi-PK na nun ang SG-ELITE gang sa e-room na yun, at medyo busy sila sa pakiki-pagbakbakan.
Ang masasabi ko lang eh...mga paps...relak lang. Naglalaro tayo ng RAN para mag-enjoy kasama ng mga friends natin...at hindi para mamburaot ng kapwa natin RANatic. Wak po tayo mag-away away.
Sana lang eh makita kong magka-ayos ang 2 gangs na to. Peace na kayo mga idol...please?
On another note, heto na ang makulet na rekwes ni UncrownedPrince. Paps, sana di ka pinagalitan ni Inay. XD







No comments:
Post a Comment