Wednesday, April 30, 2008

Ang OYE...bow

Siguro hindi ka matatawag na RANatic kung hindi mo alam ang katagang Oye...isang expression na ginagamit ng mga adekz para sabihing "astig" o "lufet". Siguro shortened version din sya ng "oh yeah", pero since Pinoy tayo, mas makulet ang salitang "oye", kaya naman pati mismo sa loob ng game eh pag ni-type mo ang word na ito ay may nakakalerky na action ang gagawin ng mga characters nyo.

At ito ang tinatawag na Oye Dance.



Isa rin ito sa mga paborito kong expressions sa RAN. At kung minsan pag nadalaw ako sa mga servers, malimit na hindi mawawala ang isang Oye session kasama ang mga adekz. Kaya naman marami-rami din akong nakuhang screenshots featuring this wacky dance...


Wao! Mga naka-hubo nagsasayaw! Hahaha!

Oye muna pagtapos makakuha ng e-room...

Maya na magpa-level...Oye muna! XD

Kaya sa susunod na magkita tayo in-game, Oye muna before anything else. Mwehehe. ^_~

Tuesday, April 29, 2008

Preview on Kalayaan KOTH

Woooo! We are down to the last King of the Hill event! Bukas sa Wrath, huling aariba ang mga mamaw cap players at makukumpleto na natin ang mga repapipz na may angking mamaw powers. Excited nako makita kung ano ang ipapakita ng mga Wrath adekz pagdating sa bakbakan.

Nga pala, paumanhin sa mga RANatics ng Alab dahil hindi na-cover ni Vesteria yung KOTH ninyo. T_T Pero wak kayo mag-aalala dahil balak daw nyang interbyuhin ang nagwagi sa server ninyo. Kaya kung nababasa ito ni Sekcy ng Alab, mag-OL ka naman nang mahagilap ka namin. Ahuhuhu.

Pagtapos ng huling KOTH, magpo-post ako ng mga katangi-tanging moments sa event na talaga namang tumatak sa aking isipan (naks!). Abangan nyo yan!

Kaka-post ko lang kaninang umaga ang report ko for Alamat KOTH. Kasalukuyang ginagawa ko ang post-KOTH report for Kalayaan, at naka-pila na rin ang videos for Kalayaan and Alamat. Hinay-hinay lang mga idol at mahina ang kalaban. Hehehe.

Bigyan ko lang kayo ng what to expect for my report on Alamat. At syempre kasama sa chizmax ang peeekchurs!

Nagtipon muna sa PTZ...

Wah! PTZ! Parang yun ang tagpuan namin ni...

Weeeeeeee! *_*

Hahahhaa! Dafa silang lahat!

Ok tulog muna tayo mahabang labanan pa to. LOL!

Sunday, April 27, 2008

Para sa iyo, Tala


Paano ba uumpisahang ipaliwanag
Ang isang bagay na hindi madaling maintindihan
Ngunit sa paglipas nitong mga panahon
Lalong nagkakaroon ng anyo ang sigalot sa pusong ito.

Di man pansin, unti-unting nagbago itong payak na damdamin
Na ngayo'y nagpupumilit kumawala at liparin ng hangin
Ngunit ito'y hinawakan ko at masusing pinagmasdan
Di nakapagtataka ang iyong wangis ang nasilayan.

Sino ka ba at bakit ganito na lang
Ang mariing pagpintig ng puso't isipan
Di man nakikita ang tunay mong anyo
Itong nadarama'y higit pa sa anumang delubyo.

Sana sa munting handog na ito, ikaw ay napangiti
Di ko man masilayan, dama ko ang tamis ng iyong giliw
At sana sa susunod nating pagtatagpo
Ako'y hahayaan mong mag-verify ng kusa at totoo.

Saturday, April 26, 2008

[Chizmax] Rambulan sa Alamat

Nakatanggap ako ng isang tip sa isang player ng Alamat server sa forum kahapon lang. Sabi sakin eh bumisita daw ako sa server nila today para maki-chizmax sa bangayan ng ilang gangs. At dahil may lahi rin akong chismoso, dali-dali akong umuwi ng bahay para lang makaabot at makisawsaw dito sa sinasabi nilang "rambulan" sa Club Wars.

Ok, fine...nakarating din ako sa Alamat. Nagpalipat-lipat muna ako ng e-room para makibalita, at yun nga, tumambay na rin ako sa mga e-rooms in question: ang Phoenix at Mystic Peak.

Yun nga lang, mali na naman ang pagkaka-intindi ko. Hindi ito rambulan sa e-room, kundi rambulan ng 2 gangs mula sa MP at PX schools, specifically sa `PhoENiX at MP-AllStar gangs.

Ok sige...imbisibol mode muna ako nun at nanood ng bakbakan nila.

Naki-chizmax muna ako sa MP-AllStars.

Una akong tumambay sa PX e-room, kung saan kasalukuyang hawak ito ng `PhoENiX gang. Di nagtagal, all out salakay na ang ginawa ng MP-AllStar, kung saan umariba na sa pag-verify si Papa -=Jecko=-. Sinubukang pigilan ito ng `PhoENiX pero di naglaon ay nakuha din ito ng MP-AllStar.

Ariba mode si Papa -=Jecko=-.

Ok, dito ko na nalinaw ang chismis.

Usapang malufet!

It seems na nagka-hamunan ang mga gangs na ito. Nang tinanong ko ang MP-AllStars kung bakit may bangayan sila sa `PhoENiX, sabi daw eh nag-aangas ang nasabing gang. Nagpustahan pa daw ng 100m kung masasakop nila ang e-room nila (na nangyari naman).

Sa kabilang dako, gusto ko rin syemre malaman ang sasabihin ng kabilang party, kaya naman hinanap ko kung saan susunod sasalakay ang `PhoENiX. Well, sinubukan nilang mag-verify sa dating e-room nila, pero sadyang mabangis ang defense ng MP-AllStar kaya wala ni isa man sa kanila ang nakalapit. Nagulat na lang ako na may nag-shout na lumipat daw ng SG e-room ang `PhoENiX.

Sinubukan ngunit kulang...

Okay, sige lipat ako ng SG, kung saan kasalukuyang hawak ito ng MP-RebOrN. Nang sinubukan ng `PhoENiX na mag-verify, todo def ang MP-RebOrN, ngunit sa kasamaang palad eh hindi ganun kalakas ang kanilang pag-ariba kaya nakuha din ito ng `PhoENiX.

Ang pagsakop sa SG e-room.

At syempre, dun na nag-umpisa ang kanchawan.

Sinubukan kong tanungin ang panig ng mga taga-`PhoENiX, pero pareho din ang sinabi nila sakin...na nag-aangas daw ang MP-AllStar, lalo na sa PK. Hindi ko na sila masyadong naurirat dahil nampi-PK na nun ang SG-ELITE gang sa e-room na yun, at medyo busy sila sa pakiki-pagbakbakan.

Ang masasabi ko lang eh...mga paps...relak lang. Naglalaro tayo ng RAN para mag-enjoy kasama ng mga friends natin...at hindi para mamburaot ng kapwa natin RANatic. Wak po tayo mag-away away.

Sana lang eh makita kong magka-ayos ang 2 gangs na to. Peace na kayo mga idol...please?

On another note, heto na ang makulet na rekwes ni UncrownedPrince. Paps, sana di ka pinagalitan ni Inay. XD

O ayan, binati na kita! XD

Thursday, April 24, 2008

andito pa me...

Uu, buhay pa me. Natabunan na naman ng trabaho kaya inamag na naman ng tuluyan ang aking wafu blog. Ahuhuhuhu.

Sa mga patuloy na bumibisita, maraming salamat! Apdeyt ko na rin ito sa mga susunod na araw. God knows andami ko nang screenshots with the RANadeks na kelangan ipamudmod in da intarwebzzzz. Wakokoko!!!

Medyo masaya lang ako today kasi may nakilala ako kagabi after King of the Hill sa Tala. Hihihi..

Kung sino sya...abangan nyo na lang! Wooooo!!!!

Sunday, February 24, 2008

I don't get it...

Ba't ganun nung bumisita ako ngayong gabi sa Tala...parang galit sakin mga tao dun?

Mukhang may nag-iimpostor sa pogi peys ko at nanloloko ng ibang players?! Amf yan pag nahuli ko yan, sisiguraduhin kong sa kangkungan na sya pupulitin.

Just a reminder to all: Hindi ko po hinihingi at NEVER kong hiningi ang account username at password ninyo. Walang GM ang manghihingi ng ganyang info sa inyo kaya please take precautions at wag ibibigay ito kung kani-kanino.

Huhuhuhu...dey heyt me in Tala... T_T

Wednesday, February 20, 2008

Da search for Ink Sidekick™

Omayghulay! Super delayed na pala ako sa pag-post ng CW results!

Para sa mga repapips ng Alab, click here to see the CW report made by me and bespren NoBuffNoHeal. Hehehe.

Para sa mga interesado, naghahanap ako ng mga sidekick per server para tulungan ako mag-cover ng CW. As led by the good example of Alab Server Bespren, NoBuffNoHeal, madali lang naman maging sidekick ko. Basta marunong ka mag-timpla ng kape, bumili ng tinapay sa kanto...ay mali! Hehehe.

Since alam naman natin kung gano nakakaloka ang mga last few minutes sa CW, malaki ang maitutulong mo bilang Ink Sidekick™ (aka Server Bespren). Pwede mong ibalita ang mga happening sa bawat e-Room at maaaring maisama ang iyong report kasabay ng official report ni Inkslinger. Syempre instant publicity na yan for you, makakasama mo pa si Papi Ink sa pagre-report!

O diba ang bangis? Kaya kung may ibubuga ka sa pagsusulat o di kaya gusto mo lang makilala sa RAN universe, aba, sali na!

===

Nais ko lang ipaalam sa lahat ng mga ka-berks ko sa RAN na every Wednesday ako magco-cover ng Club Wars (dyahe pag weekend, wala nakong social layp nyan huhuhu). Upang malaman kung saan ako magpapakita, check out the iskedyul beelow:

February 20 - Havoc
February 27 - Kalayaan
March 5 - Alamat
March 12 - Strife
March 19- Tala
March 26 - Fury

Kita-kits mga mamaw! Hehehehe. ^_~ Oye!

Thursday, February 14, 2008

After 48 years...

Wow himala, nag-update ako! Bwahahaaha!!

Grabe, inaamag na 'tong blog ko, buti na lang alam ko pa ang username at password nito. Nyaknyaknyak!

So, ano na nga ba ang balita? Eto, pogi pa rin ako. Di ko na nga alam gagawin ko sa araw-araw ba naman nakikita ko ang ka-wafuhan ko.

Anyway, medyo nabuhay ako uli pagtapos kong matabunan ng sandamakmak na trabaho last year. Buti ngayon at nakakapag-Club Wars nako uli. Speaking of which, kagabi dumalaw ako sa Alab para maki-usyoso (at mag-girl watch BOHAHAHA!). Buti na lang di ako na-dc, pero minsan lang nasisipa palabas ng e-Room. Kaloka rin mga players sa Alab...mga adeeek!! Parang naduling ako kakabasa sa chat box at pag-monitor sa mga nangyayari sa bawat e-Room. Pero syempre, di pa rin ako nawalan ng panahon para lumandi.

Hahahaha.

Yun nga lang, inechepwera ang wafung peys na ito, kaya broken hearted ako. Ahuhuhu. Rejection does not come easy lalo na pag alam mong sobrang wafu ka (dba mga papa?). Pero sabi nga nila, life goes on. Oks lang, oye lang ako ng oye mahahanap ko rin sya. Sana makita ko na sya. <---AYUN O! HAHAHAHA! Anyway, gusto ko lang magpasalamat sa mga bago kong ka-berks sa Alab, lalo na kay bespren NoBuffNoHeal. Hahaha! O ayan ha special mention...sikat ka na talaga! Oye~! At syempre dahil maarte ako, ipangangalandakan ko lang itong souvenir pic na kinuha ko kaninang umaga nung tumambay ako uli sa Alab. Sosi!!


HAPPY VALENTINES MGA ADEEEEK!!